Nang Ika’y Dumating (The Seed Of Love Theme)-文本歌词

Nang Ika’y Dumating (The Seed Of Love Theme)-文本歌词

Maricris Garcia-Yu
发行日期:

VERSE 1

Sa bawat oras na napupuno ng tawa

'Pag ang mundo'y lumiliwanag sa saya

Sa tuwing nasisilayan ang kislap sa'yong mata

Dinadalangin na ito'y di mawala

VERSE 2

Sa bawat araw na dumidilim ang langit

'Pag ang mundo'y tila pumupula sa galit

Nais kong balutin ka sa aking bisig

Upang hindi maramdaman pait ng daigdig

PRE-CHORUS

Mula noon, hanggang sa walang hanggang bukas

Pagmamahal ko ay walang wakas

CHORUS

Dahil sa'yo

Lahat ng bagay kakayanin

Ano mang bagyo

Buong loob na susuungin

Bigat ng mundo kung pwede lamang aking dadalhin

Dahil ang puso ko'y kahati

Mula nang ika'y dumating

BRIDGE

Binago mo ang takbo ng buhay

Ikaw ang biyaya na Kanyang binigay

CHORUS

Dahil sa'yo

Lahat ng bagay kakayanin

Ano mang bagyo

Buong loob na susuungin

Bigat ng mundo kung pwede lamang aking dadalhin

Dahil ang puso ko'y kahati

Mula nang ika'y dumating