Byahe Ng Buhay-文本歌词

Byahe Ng Buhay-文本歌词

Wilbert Ross
发行日期:

Lumapit ka mahal

‘Wag isiping ikaw ay iiwanan

Kahit ano pa ang gawin ng mundo sa ‘yo

Andito lang ako

Lumubog man ang barko, andito lang ako

Kung magunaw ang mundo ay tatabi sa ‘yo

Hahawakan ang ‘yong mga kamay

Hayaan mong ako ang ‘yong maging gabay

Sa pag-ikot ng gulong

Naghahanap ka ba ng taong sasabay

Sa byahe ng buhay

Kung ganu’n ay ‘wag nang mangamba

Hindi ka na mag-iisa aking mahal

Ako na ang bahala, matulog sumandal

Kumapit ka mahal

Maglalakbay sa malubak na daanan

Masira man ang makina at tayo’y mahinto

Andito lang ako

‘Wag mataranta’t matakot, andito lang ako

Susubukang ayusin ‘to para lang sa ‘yo

At kung sakaling hindi makasakay

Maglalakad tayong dal’wang magkasabay

Sa bawat tapak ng paa

Mabagal man basta’t alam mong

Sumasabay ka sa byahe ng buhay

Mapagod man ika’y magpahinga

Sa pagpasan ako’y handa aking mahal

Ako na ang bahala, matulog sumandal

Matulog sumandal

Matulog sumandal

Ako na ang bahala

Sa pag-ikot ng mundo

Sasamahan ka patungo

Sa walang hanggan