Malagkit lagkit ang mga tingin
Sinong 'di maaakit sa’yo
Nanginginig, nabubulol, nanlalamig
Matamis, oh kay gandang mga ngiti
'Di mo ba ako makita o madama
Aaminin ko ako’y nagpapapansin
Matagal pinag-isipan bawat galaw
Panalangin ika’y maging akin
Oh paraiso
Ako ay saluhin oh aking sinta
Oh paraiso
Hindi na mapigilan ang aking nadarama
♪
Madaling-araw na pala (na pala)
Oras na bang magpahinga (magpahinga)
'Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Panay takbo sa aking panaginip
Pasensya na kung minsa'y walang masabi
Tulala sa mapula mong labi
Oh paraiso
Ako ay saluhin oh aking sinta
Oh paraiso
Hindi na mapigilan ang aking nadarama
Tuloy pa ba sa awit ng harana
Habang ika’y nakadungaw sa bintana
Tadhana bang sumulat ng awit na 'to
'Di na makapagtimpi ako’y nararahuyo
Oh paraiso
Ako ay saluhin oh aking sinta
Oh paraiso
Hindi na mapigilan ang aking nadarama
Oh paraiso
Ako ay saluhin oh aking sinta
Oh paraiso
Hindi na mapigilan ang aking nadarama
Tuloy pa ba sa awit ng harana (oh paraiso)
Habang ika’y nakadungaw sa bintana (oh paraiso, yeah)
Tadhana bang sumulat ng awit na 'to (ikaw ang paraiso)