BAKIT, KAIBIGAN
Siya’y nakahimlay, mukha niya’y matamlay
Kita ko ang bakas sa hirap na dinanas
Siya’y di dating ganyan, noong taong nagdaan
Mata niya’y may kislap, ngayo’y di ko mahanap
At siya’y tinanong ko, “ano ang dahilan?”
Ang kanyang tinugon, “Bakit Kaibigan?”
Tila di niya alam ang kanyang kalagayan
Tila di niya alam ang katotohanan
Chorus:
Bakit ba kinakailangang mawala ang ‘sang katulad niya sa lupa
Bakit? O bakit pa?
Para sa akin siyia ay isang bayani
Di na niya inisip ang kanyang sarili
At kanyang tiniis ang mga pangaapi
Doon sa ibang bayan kahit nahihirapan
Ang lahat na ito’y hindi di naming nalaman
Pagka’t tanging nais niya kaibiga’y tulungan
Upang magkaroon ng kinabukasan
Maiahon sa kahirapan
Chorus
Adlib
Na na na na na na na
Verse 1
Chorus