HINDI NA IKAW
Hindi na ikaw
Ang nakikita ko
Sa mga pangarap
Na sabay natin binuo
Kung maipipihit ko lang ang orasan
‘Di magdadalawang isip
Ibalik sa nakaraan
Kaso bakit pa ipipilit
Kung ‘di rin naman
Hindi rin naman
Hiniling sa bilyong mga tala
Mga bulong natin sa buwan
At Sino bang mag aakala
Na di pala tinadhana
Kung maipipihit ko lang ang orasan
‘Di magdadalawang isip
Ibalik sa nakaraan
Kaso bakit pa ipipilit
Kung di rin naman
Hindi rin naman ikaw
Mas maigi pang
Hindi nalang sayangin
Magagaya rin naman
Tinangay lang ng hangin
Ating pag-ibig
Na ‘di man lamang
Napagbigyan
Hindi na Ikaw