Ang katulad kong umiibig
Nagbabaga at mapusok
Umiwas man sa tinik
Parati pa ring natutusok
Aray
Kaya mabuti pang isilid
Ang aking puso sa tampipi
Ingatan at itago nang maigi
Huwag ilalabas ang puso
Kung ayaw mapahamak
Kay raming binatilyong
May masamang binabalak
Susuyuin ka
Iaalay ang langit at bituin
Matamis na dila niya’y
Ikaw ang ibig sungkitin
Kapag nakuha na ang gusto niya
Bigla na lang mawawala
At ika’y maiiwang tulala
Magkukulong sa bahay
Magmumukmok
Umaasang siya’y magbabalik
Kahit na alam mong meron na
Siyang ibang kalaguyo
At ‘di na siya magbabalik
Kapag nakuha na ang gusto niya
Bigla na lang mawawala
At ika’y maiiwang tulala
Magkukulong sa bahay
Magmumukmok
Umaasang siya’y magbabalik
Kahit na alam mong
Hindi na siya muling magbabalik
Huwag sumilip sa babuyan
Kung ayaw mong maputikan
Huwag kagatin ang mansanas
Kung ayaw mong mabilaukan
Susuyuin ka
Iaalay ang langit at bituin
Matamis na dila niya’y
Ikaw ang ibig sungkitin
Kapag nakuha na ang gusto niya
Bigla na lang mawawala
At ika’y maiiwang tulala
Ang tulad kong umiibig
Nagbabaga at mapusok
Umiwas man sa tinik
Parati pa ring natutusok
Umiwas man sa tinik
Laging natutusok
Laging natutusok
Aray