Nasaan ka na, pwede bang umuwi ka na pinagluto kita ng paborito mo halika na magsalo na tayo hanggang sa mag umaga ‘Di man madaling kunin ugali mo ngunit hayaan mo't patutunayan ko Dahil pangako ko dadahan-dahanin ko ang lahat ng mga bagay na gusto mo At di ko ipipilit ang mga ayaw mo matututunan ko rin hanggang makabisado Ikaw lang hanggang sa huli iibigin ko sa ‘king dapit-hapon Sa t’wing ika’y may sumpong at naisip mo na ako ay awayin pagbibigyan kita aking giliw ‘pag nagalit ka sa’kin, maglalambing sayo at susuyuin hanggang sa mapangiti ikaw ang tanglaw sa bituwing nagniningning aking musikang kay sarap kung uulit-ulitin At kung sa pagtanda mabura sa ‘king alaala hawakan mo ang puso ko at muling madarama ang wagas na pagsinta Dahil pangako ko dadahan-dahanin ko ang lahat ng mga bagay na gusto mo At di ko ipipilit ang lahat ng ayaw mo matututunan ko rin hanggang makabisado Ikaw lang hanggang sa huli iibigin ko sa ‘king dapit-hapon Sa ‘king dapit-hapon oh Sa ‘king dapit-hapon